-- Advertisements --
Patay ang tatlong katao matapos ang drone attack ng Ukraine sa airbase ng mga bombers sa southern Russia.
Napabagsak ng mga Russian air defenses ang nasabing mga drones malapit sa Engels base pero ikinasugat ng tatlong technical staff ang nahulog na mga debris.
Matatagpuan ang nasabing airbase sa 650 kilometers north-east ng border ng Ukraine.
Una ng inakusahan ng Russia ang Ukraine na sila ang nasa likod ng mga pag-aatake sa kanilang mga airfield.
Hindi naman inako ng Ukraine ang insidente subalit sinabi na isa lamang pagganti ito sa ginagawa ng paglusob ng Russia.