-- Advertisements --
Nasa tatlong katao ang patay ng makasagupa ng mga kapulisan sa India ang mga nagsasagawa ng kilos protesta.
Ang nasabing protesta ay nagsimula sa pagpapatupad ng bagong citizen law.
Sa bagong batas na bibigyan ng citizenships sa mga non-Muslim illegal immigrants mula Pakista, Bangladesh at Afghanistan.
Ayon sa mga kritiko na dapat hindi basehan ang relihiyon sa pagbibigay ng citizenships.
Dahil sa nasabing bagong batas ay nagsimula ang kilos protesta sa Uttar Pradesh , Delhi at Karnataka.
Ipinagtanggol naman ni Prime Minister Narendra Modi ang batas at sinabing sinisiraan lamang nila ang batas.