-- Advertisements --

GENERAL SANTOS CITY – Patay ang tatlong katao, habang sugatan naman ang isang 5 taong gulang sa pagkahulog ng motorsiklo sa sa bangin sa Datal Salban Bridge sa Barangay San Jose, General Santos City.

Kinilala ang mga nasawi na sina Joseph Salawa, Adrien Salawa at Mingtingaw Flang, magpipinsan.

Habang himalang nabuhay at ngayo’y nagpapagaling na sa pagamutan ang nakaligtas na bata.

Nabatid na malalim ang bangin kung saan nahulog ang naaksidenteng motor.

Sa imbestigasyon ng Traffic Management Unit (TMU), natukoy na ala-1:00 kahapon mula sa GenSan ang apat na biktima at pagkarating sa tulay sa nabanggit na lugar ay nahirapan ang kanilang motorsiklo na makaakyat kaya dumausdos at dumiretso ito sa malalim na bangin.