-- Advertisements --

Patay ang tatlong katao kasama ang iang pulis sa nangyaring pamamaril sa Rex, Georgia, Clayton County sa Atlanta.

Sinabi ni Clayton County Police Chief Kevin Roberts na ang mga bikitma ay kinabibilangan ng dalawang babae at isang pulis.

Napatay din ng mga rumespondeng pulis ang suspek.

Nagsasagawa pa ng malalimang imbestigasyon ang mga otoridad sa nasabing insidente.