-- Advertisements --
Patay ang tatlong katao habang sugatan ang dalawang iba pa sa naganap na pamamaril sa Missouri nightclub.
Hindi na inilabas ng mga kapulisan ng Kansas ang pagkakakilanlan ng mga biktima sa naganap na pamamaril sa Klymax Lounge.
Ito na ang pangatlong insidente ng mass shooting sa loob ng isang linggo.
Patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng mga otoridad sa nangyaring pamamaril.
Ngayong taon lamang ay aabot na sa 230 na mga insidente ng mass shooting sa US.