-- Advertisements --
Patay ang tatlong katao at sugatan ang 90 iba pa sa naganap na pamamaril ng mga Taliban sa government building sa Kabul, Afghanistan.
Pinasabog pa ng mga militants ang car bomb bago magpaputok ng baril sa mga gusali.
Umabot sa pitong oras na palitan ng putok ng mga security forces at mga militanteng grupo.
Dahil sa dito ay nag-iwan sa limang mga insurgents ang napatay ng mga otoridad.
Tinarget din ng mga Taliban ang pasilidad ng defence ministry.
Naganap ang pang-aatake dalawang araw matapos ang ginawang pagbisita ng US special envoy at nakipagpulong sa mga militant group sa Qatar para tuluyan ng tuldukan ang 18-taon na giyera.