-- Advertisements --
Patay ang tatlong katao matapos ang pagbagsak ng sinasakyan nilang Cessna Plane sa Boca Raton, Florida.
Ayon sa Federal Aviation Administration (FAA) at National Transportation Safety Board na bumagsak ang twin-engine Cessna 310 na eroplano sa kalsada ng Boca Raton, Florida.
Nasugatan naman sa insidente ang isang lalaking lulan ng kaniyang kotse matapos na tamaan ng debris mula at apoy mula sa bumagsak na eroplano.
Galing ng Boca Raton ang eroplano at patungo sana sa Tallahassee ang eroplano ng bumagsak matapos ang 12 minuto ng ito ay mag-take off.
Patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng mga otoridad ukol sa nangyaring insidente.