-- Advertisements --
Nasa tatlong katao ang patay matapos ang pagsagasa ng sasakyan sa bangketa sa downtown ng San Diego.
Ayon kay Fire Chief Colin Stowell, kusang sumuko ang driver na 71-anyos.
Nagkaroon aniya ng problema ang minamaneho nitong Volvo station wagon.
Iniimbestigahan din ng mga otoridad kung bakit ito nagmamaneho kahit may kapansanan.
Nasa gilid ng kalsada ang mga tao dahil sa pagbuhos ng ulan ng bigla sila sinagasaan ng sasakyan sa Block B malapit sa San Diego City college.