-- Advertisements --
Patay ang tatlong katao matapos ang serye ng pagsagasa ng isang sasakyan sa Nottingham, England.
Dalawa sa mga biktima ay estudyante ng University of Nottingham.
Naaresto naman ng mga otoridad ang 31-anyos na lalaki na siyang sinasabing nasa likod ng insidente.
Patuloy na inaalam ng mga otoridad ang motibo ng suspek at hindi nila inaalis na ito ay isang uri ng terorismo.