-- Advertisements --
Nasa tatlong katao ang nasawi sa naganap na pamamaril sa isang high school sa Oxford, Michigan.
Sinabi ni Oakland County Undersheriff Michael McCabe na pawang mga estudyante ang mga biktima.
Isa ring 15-anyos na lalaki ang suspek na nag-aaral sa nasabing paaralan.
Agad na naaresto at nakuha sa kustodiya niya ang isang handgun.
Sa ngayon ay inaalam ng mga otoridad ang motibo nito sa pamamaril.