-- Advertisements --

Patay ang tatlong katao sa naganap na pamamaril sa isang paaralan sa Bosnia.

Ang mga biktima ay pawang mga staff ng isang high school sa bayan ng Sanski Most.

Gamit ang isang automatic rifle ay unang binaril nito ang dean, secretary at isang English teacher na nagretiro na at bumalik muli sa pagtuturo.

Walang ibang mga bata ang nasugatan sa insidente dahil sa panahon ng bakasyon doon.

Kinilala ng mga otoridad ang suspek bilang si Mehmed Vukalic na isang cleaner sa paaralan.

Nagtamo ang suspek sa kaniyang tiyan dahil sa pagtatangka nitong magpakamatay.

Inaalam pa ng mga otoridad ang motibo ng suspek sa insidente.