-- Advertisements --

Patay tatlong kalalakihan sa dalawang insidente ng pamamaril sa Sampaloc, Maynila.

Unang binaril si Joel Aquino, 31-anyos, na binaril ng mga riding in tandem suspek habang ito ay dumadalaw sa lamay ng kamag-anak sa Barangay 464, Zone 46.

Nabaril di ang tiyuhin ng biktima na si Juanito Baful at kasama nitong barangay tanod na si Reynaldo Caguioa.

Lulan ng isang SUV ang mga suspek na namaril sa mga biktima.

Lumabas sa inisyal na imbestigasyon na onsehan sa iligal na droga ang motibo ng insidente dahil pawang mga nasa druglist ang mga nabaril na biktima.