-- Advertisements --
Netherlands Dordrecht
Netherlands Dordrecht

Tatlong katao ang patay habang sugatan ang isa sa naganap na pamamaril sa Dordrecht City, Netherlands.

Sa inisyal na imbestigasyon isang pulis ang suspek na binaril ang mga magkakamag-anak bago barilin ang sarili.

Itinakbo naman sa pagamutan ang isang biktima matapos na makaligtas.

Nagtungo naman sa lugar si Dordrecht Mayor Wouter Kolff at inatasan ang mga otoridad ng agarang imbestigasyon.