-- Advertisements --

Nasa tatlong katao ang nasawi matapos na sila ay pagbabarilin ng katrabaho sa fire hydrant factory sa Albertville, Alabama.

Kinilala ng mga otoridad ang 34-anyos na suspek na si Andreas Horton kung saan gumamit ng handgun at pinagbabaril ang kasamahan sa trabaho sa Mueller Co. na gumagawa ng fire hydrants.

Nakilala naman ang mg biktima na sina Michael Lee Dobbins at David Lee Horton.

Tumakas pa ang suspek at natagpuan na lamang ito sa layong 24 kilometro mula sa lugar na pinangyarihan na ito ay nagpakamatay na.

Inaalam pa ng mga otoridad ang motibo ng suspek sa nasabing pamamaril.