-- Advertisements --
Patay ang tatlong katao matapos na sila ay pagbabarilin sa San Rafael, Bulacan.
Ayon sa Philippine National Police (PNP) Regional Office 3, lulan ng SUV ang mga biktima dakong alas-3:15 ng hapon nitong araw ng Biyernes.
Pagdating nila sa Barangay Capihan, ay hinabol sila ng isang itim na SUV at pinaputukan sila ng automatic rifle.
Nakarekober ang mga otoridad ng 25 na basyo ng maaring mula sa caliber 5.56 na baril.
Agarang nasawi ang dalawa habang ang isa ay dinala pa sa pagamutan subalit ito ay pumanaw din.
Patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng mga otoridad ukol sa insidente.