-- Advertisements --
Patay ang tatlong katao matapos ang naganap an pamamaril sa Sweden.
Naganap ang pamamaril sa isang hair salon sa Uppsala City.
Mabilis naman na tumakas ang suspek na lulan ng kaniyang motorsiklo matapos ang insidente.
Kinordon na ng mga otoridad ang lugar at maging ang trains system ay kanilang inihinto ang operasyon para hindi na ito magamit ng suspek.
Patuloy na inaalam ng mga otoridad ang motibo ng pamamaril kung saan nangyari ito sa bisperas ng Walpurgis spring festival na dinarayo ng mga turista.