-- Advertisements --

Nasa tatlong katao ang patay sa naganap na pamamaril sa Austin, Texas.

Agad na kinordon ng mga kapulisan ang Great Hills Trails at Rain Creek Parkways kung saan naganap ang pamamaril.

Hindi pa nagbigay pa ng ibang detalye ang mga rumespondeng pulis sa lugar.

Isa lamang ang insidente na dumaraming kaso ng mass shooting sa US kung saan tinawag pa ni President Joe Biden na isang pandemic ang nasabing nagaganap na pamamaril.