-- Advertisements --

Patay ang tatlong katao matapos na sila ay pagsasaksakin sa Glasgow city sa Scotland.

Ayon sa Scottish Police Federation na isa sa mga nasaksak ay isang pulis.

Naganap ang insidente sa labas ng Park Inn sa West George Street kung saan nabaril din agad ng mga kapulisan ang armadong suspek.

Pinayuhan ni Police Scotland Assistan Chief Constable Steve Johnson ang mga mamamayan doon na iwasan ang nasabing lugar.

Ikinalungkot naman ni British Prime Minister Boris Johnson ang pangyayari at ipinaabot nito ang pakikiramay sa pamilya ng mga bikitma.

Tinawag naman ni UK Home Secretary Priti Patel ang insidente na labis na nakakaalarma at pinayuhan ang mga mamamayan na maging mapagmatyag.