Patay ang tatlong katao matapos na sila ay pagsasaksakin sa Notre Dame Basillica sa Nice, France.
Isa sa mga biktima na babae ay ginilitan ng leeg habang ang dalawa na binubuo ng babae at lalaki ay napatay matapos tadtarin ng saksak ng suspek.
Nabaril naman ng kapulisan ang suspek at kanila ng nasa kustodiya.
Sinabi ni Nice Mayor Christian Estrosi na ang suspek ay makailang beses na sinambit ang “Allahu Akbar in Front of us” habang ginagamot.
Inaalam pa ng mga otoridad ang motibo ng suspek.
Tiniyak naman ni French Prime Minister Jean Castex na kanilang iimbestigahan ang inisdente habang magtutungo naman sa lugar si French President Emmanuel Macron.
Magugunitang noong nagdaang dalawang linggo ay pinugutan ng suspek ang biktimang guro na si Samuel Paty matapos na gumamit ng caricature ni Prophet Muhammad sa kaniyang klase.
Taong 2016 ng maraming katao ang nasawi matapos na sila ay sagasaan ng isang truck.