-- Advertisements --

Tatlong katao ang natagpuang patay sa nangyaring sunog sa isang laboratory sa Dongguan city sa China.

Agad na rumesponde ang mga rescuers kung saan naapula na nila ang nasabing apoy mula sa laboratory ng Huawei Technologies.

Nahirapan ang mga bumbero na rumesponde dahil sa makapal na ulap mula sa loob ng nasabing gusali.

Sinabing nagsimula ang sunog sa imbakan ng mga materyales para sa sound insulation.