-- Advertisements --
Patay ang tatlong katao matapos na hindi makalabas sa nasunog nilang bahay sa Alta Monte, Brgy. Dolores, Taytay, Rizal.
Naganap ang nasabing sunog pasado alas-9 nitong gabi ng Linggo at itinaas ito sa unang alarma.
Halos isang oras bago tuluyang maapula ng mga rumespondeng bumbero ang nasabing sunog.
Base sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, hindi nakalabas ang tatlong magkakapatid na ang isa ay isang person with disability.
Aabot sa tatlong bahay ang nadamay sa nasabing sunog.
Patuloy na inaalam ng mga otoridad ang sanhi at kung magkano ang pinsala ng nasabing sunog.