-- Advertisements --

Patay ang tatlong katao matapos ang hinihinalang drone attack ng mga Houthi rebels malapit sa Abu Dhabi airport.

Ayon sa kapulisan ng Abu Dhabi, tinamaan ng nasabing drone ang tatlong tanker trucks na naglalaman ng mga gasolina sa bahagi ng Mussafah area.

Nagbunsod ng magkakasunog ang nasabing pagsabog.

Sinasabing isang Pakistani at dalawang Indians ang nasawi habang anim na iba pa ang nasugatan.

Sinasabing kagagawan ng Iranian-backed Houthi rebels ang nasa likod ng atake.

Patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ng mga otoridad sa insidente.