BUTUAN CITY – Isasampa na bukas ng Cabadbaran City Police Station sa pamamagitan ng inquest proceedings ang kasong reckless impudence resulting to multiple homicide and damage to property laban sa driver ng kulay puti na Isuzu pick-up matapos itong bumangga sa kasalubong na traysikel resulta sa pagkamatay ng tatlong magkakapit-bahay na sakay nito.
Nakilala ang mga namatay na sina Aldrin Guergio, may asawa; Miraflor Gavilan at Reynaldo Fajardo, 56-anyos, parehong residente ng Purok 4, Brgy. Sumilijon nitong lungsod ng siyudad habang ang driver ng pick-up ay nalilala namang si Geoffrey Lawrence Torralba, 27-anyos, residente ng Purok 15-A, Brgy. San Vicente nitong lungsod ng Butuan.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Butuan, inihayag ni Cabadbaran City Police Station commander PMajor Renel Serrano na base sa salaysay ng pick-up driver sa kanya, patungo sana sila sa Cabadabran City upang i-arrange ang nagpapa-cater sa kanila ngunit pagdaring sa nasabing lugar ay na-slide ang gulong sa likurang bahagi ng sasakyan kung kaya’t nag-swerve ito patungo sa kasalubong nilang traysikel.
Dahil sa lakas ng impact ay para na itong nayuyupi na lata at tumilapon naman ang tatlong mga sakay nito na sa inisyal nilang pagsusuri ay wala ng pulis.
Mas pinili pa rin ng mga pulis na dalhin ang mga biktima sa Cabadbaran Emergency Hospital ngunit idineklara ng dead-on-arrival ang mga biktima.
Kanila namang narekober sa crime scebe ang dalawang mga bag kungsaan ang isa ay may lamang P41,000.00 habang P1.200.00 naman ang laman ng isa pang bag at isang gintong singsing.
Lumabas sa kanilang pagsusui na papa-uwi na sana ang mga biktimang sakay ng traysikol mula sa pagbebenta ng baboy nang kanilang makasalubong ang aksidente.