-- Advertisements --
CENTRAL MINDANAO-Tatlo katao ang nasawi nang masangkot sa vehicular accident sa probinsya ng Sultan Kudarat.
Nakilala ang mga binawian ng buhay na sina Nelson Delachina,driver ng traysikel, maybahay nito na si Arlene at 12 anyos nilang anak.
Ayon kay Esperanza Chief of Police Major Alexander De Pedro na papaliko ang traysikel sa isang gasoline station sa Barangay Laguinding Esperanza Sultan Kudarat at bigla itong binangga ng isang D4D Hi-Ace Van na kasunod nila.
Patay on the spot ang mag-asawa habang dead on arrival sa pagamutan ang kanilang anak.
Ang driver ng Van na residente ng Maguindanao ay agad sumuko sa pulisya.
Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Esperanza PNP sa naturang pangyayari.