-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Tatlo ang nasawi nang araruhin ng SUV ang isang motorsiklo sa probinsya ng Cotabato.

Nakilala ang mga nasawi na sina Jomar Damanda at ang kanyang kapatid na si Marissa Damanda na sakay ng motorsiklo.

Binawian rin ng buhay si Alawiya Manda,82 anyos,negosyante na sakay ng Toyota Innova.

Ayon sa ulat ng Kabacan PNP na pumutok umano ang unahang gulong ng SUV at hindi na nakontrola ng driver ang manobela kaya inararo nito ang motorsiklo sa bahagi ng Sitio Basak Barangay Kayaga Kabacan Cotabato.

Patay on the spot ang magkapatid na Damanda na sakay ng motorsiklo habang naisugod pa sa pagamutan ang negosyante ngunit hindi na ito umabot ng buhay.

Sumuko naman ang driver ng SUV sa Kabacan PNP at patuloy na iniimbestigahan.