-- Advertisements --

Tatlong person of interest sa pagpapasabog ng IED sa Davao City, sasampahan na ng kaso
Unread post by bombodavao » Wed Jun 21, 2023 5:07 pm

DAVAO CITY – Inihahanda na ng kapulisan ang kasong isasampa sa tatlong person of interest na siyang nag-iwan ng pampasabog sa sasakyan na pagmamay-ari ng isang abugado.

Ayon kay Lt. Col. Darren Comia, ang Commander ng Task Force Davao, malapit ng matapos ang imbestigasyon ng binuong Special Investigation Task Group (SITG) na siyang nakatutok sa nangyaring pagpapasabog. Maalalang, sumabog ang isang IED sa trunk ng CRV na nakaparada sa harap ng isang law office sa Ecoland, Davao City.

Sa pagsusuri sa CCTV nakita ng mga otoridad ang dalawang indibidwal na huminto sa tapat ng sasakyan na kung saan ay may bagay itong isinilid at matapos nga ang limang minuto ay nangyari ang pagsabog.

Sa kabilang dako nilinaw naman ng opisyal na work-related lamang ang pangyayari at hindi nila ito terorismo. Habang, nagpaalala naman ang opisyal sa publiko na wag gawing biro ang hinggil sa bomba, ito’y matapos din na madakip ang 34 anyos na lalaki, nitong nakalipas na gabi matapos magbiro na may bomba sa kanyang bag habang ini-inspection ang bag nito sa Roxas Nigh Market.

Nilinaw ni Col. Comia, na bagama’t walang threat na nadetect ng Davao Task Force, pero nananatili paring mahigpit ang ipinapatupad na seguridad dito sa lungsod.