-- Advertisements --

CAUAYAN CITY- Umabot na sa tatlo ng personnel ng BJMP sa region 2 ang nasawi dahil sa COVID 19.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Atty. Romeo Villante, Regional Chief of Directorial Staff and Chief of Community Relations Service, BJMP Region 2, sinabi niya na labis niyang itong ikinalungkot dahil may ilang piitan na sa Region 2 ang pinasok na rin ng COVId 19 kung saan ilan sa kanlang personnel ang nasawi.

Ang naturang mga Personnel ay nasawi matapos na hindi mabigyan ng karampatang lunas ang nararanasang sintomas ng COVID 19.

Sa kasalukuyan ay nakahanda na ang knailang mga isolation facilities na siyang paglalagyan ng mga Person deprived of Liverty o PDL’s na matatamaan o maapektuhan ng COVId 19.

Ayon kay Atty. Villante dinagdagan na rin nila ang mga duty nurse sa mga pasilidad ng BJMP na may kaso ng COVID 19 upang masubaybayan ang kalusugan ng mga personnnel at PDL’s, habang ang mga personnel na tinamaan ang COVID 19 ay kinuha na ng kani kanilang mga LGU’s.

Dahil sa mga naitatalang kaso ng COVID 19 ay ipinagbabawal pa rin ng pamunuan ng BJMP ang dalaw .

Aniya mahirap ang magkahawaan dahil kulang pa ang kanilang pasilidad para ma-accomodate ang mga maaaaring tamaan pa ng COVID 19.

Bilang alternatibo ay patuloy pa rin ang paglulunsad ng E Dalaw upang makausap ang mga PDL’s at kanilang mga pamilya.

Nanatili namang bukas ang BJMP sa pagtanggap ng mga padalang pagkian gayunman dadaan ito sa disinfection bago maipasok sa loob ng piitan.