-- Advertisements --

Tuluyan nang ibinasura ng sabay-sabay ng Commission on Elections (Comelec) ang tatlong motion-in-interviention sa certificate of candidacy (CoC) cancellation ni presidential aspirant Bongbong Marcos.

Sa order na inilabas ng Comelec second division, ibinasura nito ang petition-in-intervention sa kanselasyon ng CoC ni Marcos sa pamamagitan ng civil society groups at professionals na pinangunahan ni Rommel Bautista.

Ibinasura din ng poll body ang dalawa pang pro-Marcos interventions.

Sa desisyon ng Comelec second division kapag tatalakayin pa raw ang interventions ay posibleng magresulta ito sa resolusyon ng main petition.

Dagdag ng Comelec, ang nabasurang interventions ay maituturing umanong “mere scraps of paper.”

Hindi na rin daw tatanggap ang komisyon ng kaparehong submissions sa hinaharap.

Ang unang petisyon, iginiit ng mga petitioners na nakagawa umano si Marcos ng crime of moral turpitude at perjury dahil sa false representations sa kanyang CoC kaugnay ng kanyang eligibility na tumakbo sa pinakamataas na posisyon sa bansa dahil sa kanyang conviction dahil sa kabiguang maghain ng income tax returns noong siya ay vice governor at governor ng Ilocos Norte.

Ang lead counsel ng mga petitioners ay si Atty. Theodore Te na dating Supreme Court (SC) spokesperson.

Sa ngayon, mayroon pang walong petisyon ang reresolbahin ng Comelec para madiskuwalipika at maideklarang nuisance si Marcos.

Sinabi naman ni Comelec Spokesperson James Jimenez na hangga’t hindi naisasapinal ang desisyon sa lahat ng mga petisyon laban sa dating senador ay maari pa rin itong tumakbo sa halalan sa susunod na taon.

Isasagawa ang national at local elections sa Mayo 9, 2022.