Magkakaroon na ng kauna-unahang missile equipped vessels ang Philippine Navy.
Ito ay matapos na mai-deliver na sa bansa ang mga bagong bili na missile system mula sa bansang Israel.
Kasalukuyang ini-install na ang Rafael Missile System sa tatlong Multi-Purpose Attack Craft (MPAC) ng Philippine Navy ng isang local ship builder ang Prompmech Corporation sa Zambales at sinusupervise ng Rafael na siyang supplier mula sa Israel.
Nagkalahalaga ang tatlong missile system ng P270 million.
Ayon sa isang navy official, inisyal lamang ito sa kanilang mga MPACs na magkaroon ng missile firing capabilities at kapag natapos na ang installation, magkakaroon na ang Phil. Navy ng kanilang kauna unahang missile firing ships.
Hindi naman masabi ng Phil. Navy kung kailan nila pormal na ilulunsad ang kanilang missile-firing MPAC.
Kinumpirma naman ni Defense spokesperson Arsenio Andolong ang delivery ng Israeli-made missile system sa Philippine Navy.
Naniniwala si Andolong na lalo pa mapalakas ang capability ng Navy sa pagbibigay seguridad sa bansa para labanan ang terorismo.
Gayunbdin para magpatupad ng maritime law enforcement operations.
Ang missile-firing MPAC ay hindi nakadisenyo sa isang long endurance mission sa isang open sea dahil ang surface-to-surface missiles nito ay epektibo lamang hanggang five nautical miles.