Itinuturing ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) na palatandaan ng nananatiling volcanic materials sa Taal Volcano ang naranasang tatlong phreatic eruption events.
Naitala ito sa nakalipas na araw lamang at hindi magkakapareho ang time interval.
Ang nasabing pagputok ay tumagal ng dalawa hanggang walong minuto.
Bagama’t walang nai-record na volcanic earthquake, mayroon namang Sulfur Dioxide flux (SO2) na umaabot sa 3,176 tonelada kada araw.
Nananatili rin ang upwelling ng mainit na volcanic fluids sa lawa ng Taal.
Ang ibinugang plume ay nasa 2,100 metrong taas at ito ay maituturing na malakas na pagsingaw.
Napadpad iyon sa hilagang-silangan ng bulkan sa lalawigan ng Batangas.
Nabatid na may ground deformation din sa istraktura ng bulkan na indikasyon ng posible pang mga abnormalidad nito na tatagal ng ilang linggo o buwan.