-- Advertisements --

Halos isang linggo mula nang muling mag-alburoto, tatlo pang phreatomagmatic bursts ang naitala sa Taal Volcano sa nakalipas na 24 oras.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), sa kanilang report base sa pagbabantay mula alas-5:00 ng madaling araw kahapon hanggang kaninang alas-5:00 rin ng madaling araw, sinabi ng PHIVOLCS na nangyari ang naturang phreatomagmatic bursts kahapon sa pagitan ng alas-10:39 ng umaga hanggang alas-10:55 ng umaga rin.

Kabuuang 13 volcanic earthquakes naman, kabilang na ang tatlong volcanic tremors na tumagal ng dalawa hanggang tatlong minuto, ang naitala.

Samantala, aabot sa 7,856 tonelada ng sulfur dioxide ang ibinuga ng bulkan.