Nasa ligtas ng kalagayan ang 3 Pilipinong tripulante na nasuatan matapos mapinsala ng missile attack ng Russia ang kanilang sinasakyang Liberian-flagged civilian vessel sa may Black sea sa Odesa region.
Ang naturang barko ay magdadala ng iron ore patungong China.
Ayon kay Department of Migrant Workers (DMW) officer-in-charge Hans Leo Cacdac, isa sa nasugatang Pilipinong tripulante ay engine trainee na nagtamo ng fracture sa kaniyang kaliwang kamay at ginagamot na sa isang ospital.
Habang ang 2 iba pa ay ang kapitan at third mate ng barko na nagtamo lamang ng minor injuries at ligtas habang lulan ng barko.
Ayon sa kay Cacdac, nasa bandang tulay ang sinasakyan nilang barko nang madamay ito sa impact ng missile ng Russia.
Una rito, isang indibidwal ang namatay sa insidentehabang isa pang port employee ang nasugatan kasama ng 3 Pilipinong tripulante.
Sa ngayon, nakikipag-ugnayan na ang Overseas Workers’ Welfare Administration (OWWA) sa licensed manning agency ng barko para malaman kung kailangan bang irepatriate ang mga Pilipino doon.
Naipaalam na rin ang insidente sa mga pamilya ng mga nasugatang Pilipino.