Ligtas ng nakauwi sa Pilipinas ang 3 pinalayang Pilipinong seafarers sakay ng Portuguese-flagged container na MSC Aries na kinubkob ng Iranian Revolutionary Guards noong Abril 13, 2024 habang naglalayag sa Strait of Hormuz, malapit sa Gulf of Oman.
Dumating sa bansa ang 3 Pinoy noong araw ng Hubwebes. Ito ang kinumpirma ni Department of Migrant Workers (DMW) Secretary Hans Leo Cacdac sa isang pulong balitaan ngayong araw ng Sabado.
Ayon kay DMW Sec. Cacdac, naging posible ang pagpapauwi sa mga Pinoy seafarer sa pamamagitan ng pagtutulungan ng Department of Foreign Affairs, ng may-ari ng container ship at gobyerno ng Iran.
Matatandaan na nasa 25 seafarers ang lulan noon ng MSC Aries nang kubkubin ito ng Iranian Revolutionary Guards kung saan 4 sa kanila ay mga Piipino habang ang iba naman ay Russians, Indians, Pakistanis at Estonians.
Una ng nakauwi sa PH ang isang Pinoy noong Mayo dahil ito ay nagkasakit.