-- Advertisements --
Mactan airport 1
Mactan-Cebu International Airport (photo credit Precious Abellanosa)

CEBU CITY – Sa kulungan ang bagsak ng tatlong pinaghihinalaang illegal recruiters matapos silang hinarang ng mga otoridad at ng Bureau of Immigration sa Mactan-Cebu International Airport (MCIA) sa Lapu-Lapu City.

Kinilala ang mga nahuli na sina Rea Parejas Casas at Kevin Parejas Casas, na mga residente ng Marikina City, at si Maricris Ria Villegas, ng Antipolo City.

Ayon sa director ng National Bureau of Investigation (NBI-7) na si Atty. Tomas Enrile, magkakuntsaba ang tatlo upang iligal na i-transport ang mga biktima sa Dubai at doon na magtatrabaho.

Napag-alaman din na dadaan sana sila sa bansang Taiwan upang iproseso ang mga dokumentong gagamitin sa kanilang trabaho.

Dagdag pa ni Enrile, isinailalim sa proseso ang mga dokumento upang ilipat sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa Cebu City ang umano’y mga illegal recruiter.

Nahaharap ang tatlo sa kasong qualified human trafficking at illegal recruitment involving sabotage.