-- Advertisements --

Naging matagumpay ang isinagawang sent-off ceremony sa mga pambato ng bansa sa iba’t-ibang mga beauty pageant.

Pinangunahan ito ni Miss World Philippines Tracy Perez na patungong Puerto Rico na target para maiuwi ang ikalawang titulo ng bansa.

Gaganapin ang 70th Miss World sa darating na Marso 12 kung saan ito ay iniurong ng ilang beses dahil sa pananalasa ng COVID-19.

Kasama rin na umalis sa bansa si Kathleen Paton na tutungo sa Egypt para sa Miss Eco pageant na gaganapin sa darating na Marso 17.

Habang si Michelle Arceo ay magtutungo sa India para sa Miss Environmental International title sa Marso 21 hanggang Abril 2.