Balik Pilipinas na ang tatlong Pinay senior citizens na una nang napaulat na nawawala sa loob ng isang linggo makaraang mag-stopover sa China.
Kagabi nang nakauwi na ng Maynila sina Erlinda Varela Guce, 70; kasama sina Josefina Varela Baysic, 72; at Pacita De Guzman, 77, pawang mga retiradong guro.
Nitong Agosto 10 nang dumating sa China mula sa Estados Unidos ang tatlong at naka-schedule sa isang connecting flight patungong Pilipinas.
Pero nakansela ang connecting flight dahil sa masungit na lagay ng panahon.
Bunsod nito, nag-abiso ang tatlo sa kanilang mga kamag-anak na naghihintay sa NAIA na umuwi na muna sa kanilang mga bahay dahil nakansela ang biyahe.
Nakatanggap umano ng impormasyon ang mga kaanak ng tatlo na sa Wuhan Tianhe International Airport lumapag ang eroplanong sinakyan ng tatlo, imbes na sa Pudong International Airport.
Hindi na makontak ang mga matatanda at iniulat na nawawala makalipas ang isang linggo.
Pinabalik sa airport ang matatanda nang wala pang na-ibobook na flight pabalik ng Pilipinas para sa mga ito.
Dahil dito, ilang araw na namalagi sa airport ang matatanda na nahirapan pa raw makipag-usap sa mga taga-airport dahil hindi nakakaintindi ang personnel ng Ingles.