-- Advertisements --

Babandera ang tatlong boksingero ng bansa sa Probellum event sa Dubai sa darating na Disyembre 11.

Pangungunahan ito nina John Riel Casimero, Donnie Nietes at Jayson Mama.

Makakaharap ni Casimero si Paul Butler ng United Kingdom para sa WBO bantamweight belt habang makakasagupa naman ni Jayson Mama para sa IBF flyweight title si Sunny Edwards ng Britanya.

Inaayos pa ng organizers ang boksingero posibleng makalaban ni Nietes.

Ito na ang pangatlong title defense ng 31-anyos na si Casimero na nagkampeon sa tatlong weight classes na ang huling panalo niya sa pamamagitan ng split decision laban kay Guillermo Rigondeaux noong Agosto.

Huling lumaban naman si Nietes noong Abril ng makuha ang unanimous decision laban kay Pablo Carillo ng Colombia.