-- Advertisements --

Tatlong pelikulang Pinoy ang nominado sa kauna-unahang Bangkok ASEAN Film Festival.

Kinabibilangan ng mga ito na “Tokwifi” o “Star” ni Carla Pulido Ocampo, “Excuse Me, Miss, Miss, Miss” ni Sonny Calvento at “To Calm the Pig Inside” ni Joanna Vasquez Arong.

Ang nasabing mga pelikula ay makakalaban ang 12 kalahok mula sa mga bansang Singapore, Myanmar, Thailand, Cambodia, Vietnam at Malaysia.

Makakatanggap naman ng $20,000 ang magwawagi sa nasabing kompetisyon na ito ay iaanunsiyo sa darating na Setyembre 6.

Ang Bangkok ASEAN Film Fesitval 2020 ay itinaguyod ng Ministry of Culture ng Thailand na layon nito ay ma-promote ang mga pelikula mula sa kalapit na mga bansa.