-- Advertisements --

Inaresto ng mga otoridad sa China ang tatlong Filipino dahil umano sa pang-iispiya.

Ang nasabing pag-aresto ay ilang araw matapos na magpalabas ng travel advisory ang Embahada ng China sa Pilipinas na pinag-iingat nila ang mga mamamayan dahil sa harassment sa mga Chinese.

Ang isa sa mga naaresto umano ay maka-ilang ulit ng bumisita malapit sa Chinese military facilities.

Inatasan umano ito ng Pinoy handler aniya na sangkot sa pang-iispiya at intelligence-gathering activities sa China.