-- Advertisements --

Kinumpirma ng Department of Migrant Workers na 3 Pilipino ang namatay sa pagbaha sa United Arab Emirates (UAE).

Ayon kay Migrant Workers Officer-in-Charge Hans Leo Cacdac, 2 sa nasawi ay dahil sa suffocation sa loob ng kanilang sasakyan dulo ng baha habang ang isa namang nasawi ay dahil sa vehicular accident.

Dalawa sa biktima ay Pinay workers habang ang isa naman ay Pinoy.

Tiniyak naman ng ahensiya na magbibigay sila ng kaukulang suporta at tulong para sa naulilang pamilya ng mga nasawing OFWs.

Nagpaabot din ang DMW ng pakikiramay at simpatiya sa mga pamilya at kamag-anak ng mga biktima.

Sinabi din ni DMW chief Cacdac na 648,929 Filipino ang nasa Dubai, ngunit walang humiling pa na mapauwi sa gitna ng baha.

Una rito, ang mga pag-ulan ang pinakamalakas na naranasan ng United Arab Emirates sa loob ng 75 taon na nagdulot ng malaking pinsala.