-- Advertisements --
PCG2
3 Filipinong mangingisda narescue sa karagatan ng Batanes

Na-rescue ng isang Taiwanese fishing vessel Xhin Zhenfeng No.3 ang tatlong Filipino mangingisda sa karagatan ng Batanes nuong nakaraang Miyerkules April 24 na palutang lutang.
Sa report na inilabas ng Philippine Coast Guard (PCG) nakita ng Taiwanese vessel ang tatlong mangingisda na kinumpirma ni Arthur Yang ng Taipei Economic and Cultural Office.
Sinabi ni Mr. Yang nagkaroon ng engine malfunctioned ang sinasakyang bangka ng mga Filipinong mangingisda at inihatid sa may area ng Itbayat, Batanes.
Kaagad naman nakipag-ugnayan ang Coast Guard vessel ang BRP Malabrigo sa crew ng Zhenfeng para sunduin ang mga Pinoy na mangingisda.
Nakilala ang tatlong mangingisda na sina: Mr. Redento Fronda, 39-anyos, Mr. Jovani Tablisima, 24-anyos at Mr. Roland Duerme, 18-anyos.
Ayon sa PCG nagtungo sa karagatan ng Calayaan Island ang mga mangingisda ng magkaproblema ang kanilang bangka.
Nagpasalamat naman ang PCG sa Taiwanese crew sa pag rescue sa tatlong Pinoy.