Naging hindi maganda ang kinahinatnan ng tatlong Filipino Mixed Martial Arts fighters matapos na sila ay nabigo sa ONE: Dawn of Heroes na ginanap sa Mall of Asia Arena.
Pinayuko ni Yuya Wakamatsu si Geje Eustaquio sa pamamagitan ng right straight at nakuha ang ONE Flyweight Grand Prix.
Sa loob lamang ng 1:59 sa unang round ay naging matindi ang tama ng suntok kay ONE Flyweight World Champion.
Dahil sa panalo ay mayroon ng 11-4 win-loss record ang Japanese fighter habang mayroong 12-7 record si Eustaquio.
Nakuha naman ni Korean fighter Dae Sung Park ang unanimous decision laban kay Team Lakay member Honorio Banario.
Hawak ni Park ang laban mula sa unang round at dahil sa panalo ay mayroon na itong record na 10 panalo at dalawang talo habang si Banario ay mayroon lamang na 14 panalo at siyam na talo.
Pinatumba naman ng Chinese fighter na is Xie Bin si Edward Kelly sa ikalawang round.
Sa pamamagitan ng hammer fist ay tuluyang napatumba ang pambato ng Team Lakay sa loob ng 3:32 ng second round.
Mayroon ng 12-7 win-loss record si Kelly habang mayroong walong magkakasunod na panalo si Xie at isang talo.