BAGUIO CITY – Nakarekober na mula sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang tatlong mga Pilipino sa Greece.
Sa ulat ni Bombo International Correspondent Eva Nikitara mula Patmos, Greece, iilan na rin ang mga OFWs at Pinoy immigrants doon na may trabaho sa ngayon matapos magsara ang karamihang establishimento dahil sa umiiral na lockdown doon dahil sa COVID-19 pandemic.
Ilan din aniya sa mga OFWs ang puwedeng mag-stay in sa bahay ng kanilang mga employers kaya may trabaho pa rin ang mga ito habang ang mga naka-stay out ay nananatili lamang sa mga boarding houses ng mga ito.
Aniya, ang mga nasabing OFWs ang pinagtutulongan ng mga ibang Pinoy sa Greece na may kakayahang mag-donate.
Namimigay din aniya ang Overseas Workers Welfare Administration na may sakop sa Greece ng mga relief goods sa mga apektadong OFWs doon.