Nakatakdang sumabak ang tatlong atletang Pinoy para sa Winter Youth Olympics sa Gangwon, South Korea.
Sina Peter Joseph Groseclose, Avery Uriel Balbanida, at Laetaz Amihan Rabe ang magrerepresenta sa Pilipinas para sa naturang patimpalak na magaganap mula January 19 hanggang February 1.
Si Groseclose, 16 años, ang sasabak para sa short track ng speed skating; si Balbanida, 14, ang lalaban sa skiing; at si Rabe, 14, naman para sa free ski slopestyle at big air.
Kasalukuyang nasa ika-32 na pwesto si Groseclose, matapos siyang lumahok sa World Short Track Speed Skating Championships noong nakaraang taon.
Ayon kay Philippine Olympic Committee President Bambol Tolentino na bagmat naninirahan ang mga Pilipino sa isang tropical country, hindi ito hadlang para ipamalas ang galing sa Winter Youth Olympics.
Ito na ang ikatlong pagkakataon na naging kwalipikado ng bansa para sa naturang patimpalak, suimula 2012.
Una nang lumahok sa Winter Youth Olympics sina alpine skier Abel Tesfamariam na nagtapos sa ika-37 na pwesto, at ang figure skater na si Michael Martinez na nakapag dala sa Pilipinas sa ika-7 na pwesto.