Nasa maayos ng kalagayan ang 3 Pilipinong seaferer na matinding nasugatan matapos tamaas ang kanilang cargo vessel ng missile attack na inilunsad ng Houthi rebels mula Yemen habang naglalayag sa may Gulf of Aden.
Ayon kay Department of Migrant Workers officer-in-charge Hans Leo Cacdac, iniulat ng kapitan ng barko na Indian national sa ahensiya ang kalagayan ng 3 Pinoy matapos dalawin ang mga ito.
Sinabi din ng DMW official na ang pag-discharge sa sugatang Pilipino mula sa Djibouti hospital ay nakadepende sa abiso ng kanilang mga doktor kung maaaring marepatriate na ang mga ito.
Matatandaan na noong Miyerkules nang maglunsad ng missile attack ang houthis sa Barbados-flagged ship na True Confidence na kumitil sa 3 sakay nitong seaferers kabilang ang 2 Pinoy.
Nangako naman ang DMW ng buong suporta at tulong na ibibigay para sa pamilya ng mga apektadong Pilipinong seaferers.