-- Advertisements --

Iniulat ni Manila Economic and Cultural Office Chairman Silvestre Belo III na tatlong Pilipino ang sugatan sa naganap na malakas na lindol na tumama sa Taiwan kahapon, Abril 3, 2024.

Ayon sa opisyal, ang mga ito ay pawang mga minor injuries lang naman ang tinamo na kinabibilangan ng isang babaeng overseas Filipino worker na kasalukuyang namamaga ang kamay nang dahil sa pinsalang tinamo nito mula sa nangyaring lindol.

Kung maaalala, una nang tiniyak ng Department of Migrant Workers na patuloy ang kanilang ginagawang monitoring sa sitwasyon ng mga kababayan nating OFW sa Taiwan.

Kaugnay nito ay una na ring in-activate ng tatlong Migrant Workers Offices sa Taiwan ang kanilang protocols sa mga Filipino communities, leaders at relevant Taiwan government agencies, gayundin sa mga employers at trade associations upang alamin naman ang kaligtasan at status ng mga OFW sa Taiwan.