Binigyan ng pagkilala ang tatlong Filipino staff members ng United Nations na nasawi habang ginagampanan ang kanilang trabaho.
Ayon sa Department of Foreign Affairs isinagawa ang pagkilala ng UN Secretary-General sa Annual Memorial Service.
Kinilala ang mga ito na sina Joanna Abaya na nagsilbi sa UN Childrens Fund (UNICEF), Dr. Ronald Santos na nagtrabaho sa UN Assistance Mission at si Maria Luisa Almirol Castillo na nagtrabaho sa UN High Commission for Refugees (UNHCR).
Sinabi ni UN Secretary Antonio Guterres na 336 na UN personnel mula sa 82 member states ay nasawi sa pagsisilbi para sa kapayapaan at sa COVID-19 related incidents noong 2020.
Umaabot kasi sa 657 na mga Filipino kabilang na ang mga opisyal at mga uniformed personnel mula sa Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) ang kasalukuyang naninilbihan sa kanilang headquarters at sa field.