-- Advertisements --
lebron davis kuzma lakers

Nagsama ng puwersa sina Anthony Davis, Kyle Kuzma at LeBron James upang itala ang kanilang ika-8 panalo laban sa Phoenix Suns, 123-115.

Muling nanguna si Davis sa Lakers na may 24 points at 12 rebounds, habang nagdagdag si Kuzma ng 23 points.

Hindi rin naman nagpahuli si James na nagpakita ng 19 points, 11 assists at seven rebounds para sa best 10-game start ng koponan mula pa noong taong 2010.

Sa huling laro nitong nakalipas na Lunes ay hindi umubra ang koponan sa Raptors.

Tinangka namang makahabol ng Suns sa huling tatlong minuto pero sinagot ito ng Lakers ng tatlong sunod sunod na three pointers mula kina LeBron at dalawa ang nanggaling kay Kuzma.

Dinomina rin ng Lakers ang paint na nagposte sila ng 70 points.

Sa kampo ng Suns sina Ricky Rubio at Devin Booker ay kapwa merong tig-21 points.

Ang next game ng Lakers ay sa kanilang teritoryo laban sa Warriors sa Huwebes.

Ang Suns ay host naman sa banggaan nila ng Hawks.