Sinibak sa pwesto ni PNP chief Gen. Archie Francisco Gamboa ang tatlong police officers sa Central Visayas matapos mahuling naglalaro ng golf sa oras ng trabaho.
Pinalilipat ni Gamboa sa Police Accounting and Holding Unit (PHAU) sa Kampo Crame habang pending ang investigation sa tatlong police officials.
Sinabi ni Gamboa ang tatlong sinibak sa pwesto ay ang regional chief comptroller ng PRO7 na si Col. Dennis Artil, chief ng Finance Service na si Lt. Col. Richard Bad-Ang at head ng PDEG Lt. Col. Glen Mayam.
Winarningan din ni Gamboa ang regional police ng Central Visayas na si B/Gen. Val De Leon na naka-strike one na ito dahil sa hindi tumatalima ang kaniyang mga tauhan sa inilabas nitong direktiba.
Pero hindi naman ito ibig sabihin na sisibakin na rin sa pwesto ang regional police director.
Dahil sa pagka-relieve sa tatlong opisyal tiyak na maaapektuhan ang kanilang promotion.
Umalma rin si Gamboa dahil ang dalawang Lt. Colonels na ni-relieve ay nag-o-occupy ng position na pang full colonel.
Nilinaw naman ni Gamboa na hindi naman bawal maglaro ng golf pero dapat gawin ito weekend at hindi weekdays.