Ipinag-utos na ni PNP chief Oscar Albayalde ang pag-relieve sa puwesto sa tatlong intelligence officers na sangkot sa profiling o paniniktik sa mga miyembro ng Alliance of Concerned Teachers (ACT).
Sinibak ang Intel officer ng Station 3 ng Manila Police District, Station 6 ng Quezon City Police District at Zambales PNP, na mayroon umanong ranggong police senior inspector at police chief inspector.
Nilinaw naman ni PNP chief na wala siyang direktiba para magsagawa ng profiling sa mga gurong miyembro ng ACT.
“As I’ve said, I did not specifically order gathering of information on ACT members,” wika ni Albayalde.
Ayon kay Albayalde, kung nagkaroon man ng pagkuha ng listahan ng mga miyembro ng ACT, ito raw ay bahagi ng intelligence monitoring.
Aminado naman si PNP chief na kanila na itong routine, hindi lamang sa nasabing grupo.
Hindi naman nagustuhan ni Albayalde ang naging paraan ng mga pulis, dahilan sa pag-leak ng kanilang tinatrabaho kung totoo man na may kautusan.
“Kung ikaw ay intel officer hindi dapat nagli leak kung ano yung tinatrabaho mo. If really na may utos na ganon. Especially so na you are creating panic among these people.â€